SOCIAL MEDIA: Isang Sagabal sa Pag-aaral ng Kabataang Pilipino
Magmula noong ako ay bata pa, malaki na ang naging papel ng social media sa aking pang araw-araw na pakikipag-ugnayan at pakiki-salamuha sa iba. Dito ko nakuha ang karamihan sa aking mga kaibigan at dito rin nagsimula ang aking malayang pagpapakita ng aking saloobin at opinyon tungkol sa iba't-ibang bagay. Nagsilbi itong tulay upang maka-konekta ako sa mga kaganapan at usapin sa iba't ibang bahagi ng mundo. Dahil dito, mas naging mulat ako sa kalagayan ng aking kapaligiran na nagbigay sa akin ng inisyatibo upang ako ay makialam at makibahagi sa aking lipunan. Nai-ugnay rin ako nito sa mga taong malalapit sa akin at nagbigay ng mga bagong mga kakilala na magpasa hanggang ngayon ay bahagi pa rin ng aking buhay. Sa mga panahong ako ay mag-isa naman, ang social media ang aking natatakbuhan upang magbigay sa akin ng libangan at kasiyahan. Nakapagbibigay din ito sa akin ng mga panibagong kaalaman na hindi karaniwang naituturo sa paaralan.
Ang social media para sa akin ay hindi lamang isang website na pinapagana ng Internet bagkus ito ay isang guro, katuwang, at siyang naghubog sa kung sino ako at ano ang lalim ng aking kaalaman sa ngayon. Ngunit hindi maikakaila na sa likod ng mga benepisyo nito ay ang nagtatagong mga negatibong epekto nito na hindi natin namamalayan.
Upang malinaw na maipaliwanag, ano nga ba ang social media?
Ang social media ay isang computer-based technology na nangangasiwa sa pagbabahagi ng ideya, kaisipan, at impormasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng birtwal na network at komunidad. Ito rin ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa loob ng iba't ibang interaktibong mga plataporma.
A. Social Networking Sites. Ang mga social networking sites ay ang mga websites at applications na idinisenyong gawin upang makipag-usap sa iba't ibang tao sa impormal na pamamaraan, magsilbing daan upang makapaghanap ng mga tao, at makapagbahagi ng parehong interes sa iba. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Facebook, at LinkedIn.
B. Microblogging. Ang microblogging ay ang pag-post ng maiikling pahayag o update sa isang website. Isang magandang halimbawa nito ay ang Twitter kung saan mayroon lamang inilalaan na 280 bilang ng mga karakter o letra ng salita. Bukod dito mayroon ding TweetDeck na isang downloadable desktop application na eksklusibong ginawa para sa Twitter upang ma-organisa ang mga "tweets" ng isang user nito. Isang halibawa rin ang Tumblr na nagsisilbing website para makapag-bahagi o makapag-post ang mga tao ng mga multimedia content na maaaring gawing maikling blog.
C. Blogging o Using Publishing Website. Ang mga ito ay ang mga tala o record ng mga opinyon, kwento, artikulo, at mga links mula sa ibang mga website patungo sa sang personal na website. Nagbibigay pagkakataon ito upang makapagbahagi ng personal na mga kaalaman ang isang tao upang maibahagi ito sa mga gustong magbasa nito. Ang mga halimbawa nito ay ang Wordpress at Blogger.
D. Photo Sharing. Ang mga application na ito ay nagbibigay pagkakataon sa mga manggagamit upang makapaglimbag at makapag-upload ng mga larawan na maaaring maibahagi sa publiko o sa piling mga tao lamang. Ang mga halimbawa nito ay Instagram, Flickr, Snapchat, at Pinterest.
E. Video Sharing. Ito ay ang mga applications kung saan maaaring mag-upload ng videos ang mga gumagamit nito upang maibahagi sa iba. Maaari ka ring makanood ng mga videos na nailimbag ng ibang gumagamit nito na nagsisilbing interaktibong katangian nito. Ang mga halimbawa nito ay ang YouTube, Vimeo, at Periscope.
F. Crowdsourcing. Ang crowdsourcing ay nagsisilbing tagapagkalap ng mga kinakailangang serbisyo, ideya, at nilalaman o content sa pamamagitan ng paghingi ng mga kontribusyon mula sa malaking grupo ng mga tao partikular na sa mga nagmula sa online na komunidad. Isang halimbawa nito ay ang Ushahidi, Inc.
Ito ang iba't ibang mga plataporma ng social media. Mapapansing naiiba ito ayon sa layunin o kagamitan nito kaya ito ginawa o dinisensyo. Hindi natin maikakaila na ang pinakasikat sa mga ito ay ang mga social networking sites lalong-lalo na ang Facebook. Lalung-lalo na sa panahon ngayon, sobrang dami na ang gumagamit nito dahil wala itong pinipiling kasarian at bata man o matanda ay maaari na ring magkaroon ng access dito basta't ikaw ay may koneksiyon ng Internet. Madami ang nahuhumaling dito sa kadahilanang nagbibigay ito ng kaginhawaan sa mga tao sa madaling pakikipag-uganayan sa isa't isa. Matatagpuan din kasi dito ang pinagsama-samang katangian ng ibang mga applications na nabanggit. Maaari ditong makapaghanap ng mga tao, makapagbigay ng mensahe, makatawag, makapagbahagi ng mga opinion, makapagbahagi ng litrato at marami pang iba. At para sa akin, isa itong magandang imbensyon dahil sa tulong nito, mas naging madali ang pamumuhay ng mga tao dahil komunikasyon ang pinakamahalagang salik ng pagkaka-unawaan. Sa maikling oras ng pag-type o pag-click sa website na ito, madami ka nang magagawa at malalaman. Ilan lamang ang aking mga nabanggit sa mga magagandang dulot nito sa atin.
Sa aking personal na karanasan naman, napakabisa ng mga social networking sites sa aking pagiging isang mag-aaral at kabataan. Sa modernisadong panahon na aking kinabibilangan, ginagamit na rin ang mga applications na ito tulad ng Facebook at Facebook Messenger upang makapagbahagian ng mga aralin sa klase at magkaroon ng komunikasyon para sa paghahanda ng mga pangkatang gawain. Karaniwan, bawat propesor ng isang asignatura ay nagtatalaga ng mga estudyante na maaaring gumawa ng Facebook page para doon idesimina ang mga aralin tulad ng mga powerpoint presentation, mga anunsyo, at mga dokumento o babasahing kakailanganin sa pag-aaral. Labis itong nakakatulong sakin at sa aking mga kamag-aral dahil sa isang website lamang ay makikita mo na lahat ng kakailanganin para sa espisipikong asignatura. Nagsisilbi itong madaling access at rekord ng mga kinakailangan sa klase nang sa gayon lahat kami ay hindi nahuhuli sa mga balita sa klase. Bukod pa rito, ang mga group chats din sa Facebook Messenger ay isang napakalaking tulong dahil sa pamamagitan nito, dito kami nakakapagtanungan ng aking mga kamag-aral tungkol sa mga kaganapan sa klase. Nakakapagbahagian din kami dito ng mga suwestiyon at mga plano para sa mga gawain at presentasyon.
Bukod naman sa mga tulong nito sa aking pag-aaral, bilang isang normal na kabataan, natutulungan ako nito na magkaroon ng koneksiyon sa aking mga kaibigan kahit pa malayo kami sa isa't isa. Sa tulong ng videocall at chats, hindi ko na gaanong nararamdaman na sila ay malayo sapagkat maaari kong makita ang kanilang itsura at mga ginagawa sa pamamagitan nito. Hindi lamang social networking sites ang malaki ang tulong sa akin upang makipag-socialize sa mga tao. Malaki rin ang ambag ng Microblogging sites katulad na lamang ng Twitter. Sa Twitter ay malaya akong nakakapagbahagi ng aking mga mga opinyon at saloobin sa buhay at maging tungkol sa mga isyu sa lipunan. Kahit ano ay maaari kong maipahayag dito at ganoon din ang ibang tao. Isa itong magandang website para sa mga panahong wala kang masabihan ng iyong nararamdaman sa araw na iyon, maaari mo itong maipahayag sa Twitter at makikita mo ang mga kasagutan ng mga tao na mayroon palang parehong interes at saloobin kagaya mo. Nakakatulong din ito upang makapaghanap ka ng panibagong mga kaibigan dahil maaari kayo ritong makapagpalitan ng mensahe tungkol sa mga bagay na may pareho kayong interes. Dahil sa mga microblogging sites, lumalawak ang mundo ko at mas nagkakaroon ng pagkakataon upang dumami ang mga kaibigan.
Nagtanong rin ako sa isa sa pinakamalapit kong kaibigan na babae na si Gaby Capule, dalawampung taong gulang at isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas na nasa kaniyang ikalawang taon sa kursong Chemical Engineering kung ano ang tulong sa kaniya ng social media at ayon sa kaniya, "Tinutulungan ako ng social media na kumonek sa iba't ibang mga tao kahit malalayo sa akin. Mas madali ang pakikipag-usap dahil ito." Tinanong ko rin kung ano ang pinaka-paborito niyang plataporma ng social media at ayon sa kaniya,"ng paborito kong social media platform ay ang Instagram dahil siya ang pinaka user-friendly at may pinakamagandang user interface." Pagdating naman sa pag-aaral, sinabi niya na mas madaling makipag-konek sa kaniyang mga kaklase kung kailangan sa tulong ng social media at doon na rin kadalasan isinusumite ang mga kailangang ipasa para sa klase.
Upang balanse ang kasagutan batay sa kasarian, nagtanong din ako sa isa sa aking mga lalaking kaibigan ng mga parehong katanungan at kung paano siya natutulungan ng social media. Ayon kay RJ Roque, labing-siyam na taong gulang at isa ring mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas sa kaniyang unang taon sa kursong Speech Communication, ayon sa kaniya, "Natutulungan ako ng social media sa pamamaraang mas mabilis akong nakaksaagap ng mga balita dahil kadalasan ay dito ito nahahanap. Dahil dito nakatulong ito para ako ay maging mas mulat sa mga isyung panlipunan bilang isang aktibista. Dito rin ako nakakapagbahagi ng mga anunsyo at imbitasyon upang ang iba kong mga kamag-aral ay makidalo at sumali sa mga rally at mga talakayan." Tungkol naman sa paborito niyang plataporma ng social media, kaniyang kinagigiliwan ang Twitter sapagkat dito raw siya malayang nakakapagbahagi ng kaniyang mga opinyon at reklamo tungkol sa mga isyung panlipunan at maging sa mga maling sistema na kaniyang nararanasan sa araw-araw. Sa politiko man, sa paaralan, o sa serbisyong lokal. At para sa huling katanungan kung paano siya natutulungan ng social media sa pag-aaral, ayon sa kaniya, "Pinakanakakatulong sa akin ang mga group pages at group chats sa Facebook sapagkat binibigyan ako nito ng madaling access upang makausap ko ang lahat ng aking mga grupo lalong-lalo na para sa mga pangkatang presentasyon at mga gawain. Dahil dito, mas mabilis makapag-plano at makapagusap-usap ang lahat."
Base sa aking mga kasagutan at ng ilan sa aking mga kaibigan, talaga nga namang napakaraming magagandang dulot ng social media at ng mga plataporma nito sa atin, lalong-lalo na sa amin bilang mag-aaral. Hindi maikakaila ang mga benepisyong dulot nito na nakakapagpagaan ng mga trabaho at kinakailangang gawain para sa paaralan.
Ngunit dahil nga labis labis na ang nahuhumaling sa mga websites na ito dahil sa mga kagandahang dulot, hindi pa rin natin maitatago na mayroon din itong negatibong implikasyon at epekto at sa katotohanan ay marami ang naaapektuhan nito sa hindi magandang paraan.
Ayon sa inilimbag na estatistika ng Statista Research Department noong ika-22 ng Hulyo taong 2019, ipinakita nito ang distribusyon ng edad ng mga gumagamit ng social media kung saan ang edad 18-24 taong gulang ang may pinakamalaking porsyento. Ibig sabihin lamang nito na ang mga kabataang mag-aaral ang may pinakamalaking ambag sa pakikibahagi at paggamit ng social media.
Kaya naman, ano nga ba ang epekto ng paggamit nito sa mga kabataan?
Kabilang ako sa mga kabataang mag-aaral na gumagamit ng social media sa aking araw araw na pamumuhay at masasabi ko na ito ay nagbibigay ng kaaliwan o kasiyahan sa tuwing ginagamit ko ito. Binibigyan ako nito ng pagkakataon na makipag-usap sa aking mga kaibigan at iba pang tao na malalapit sa akin kahit pa hindi ko sila personal na kasama. Sa paggamit din nito, nakakakita ako at nakakapanood ng mga bagay na aking hilig. Ang lahat ng mga ito ay umaabot ng ilang oras -- ang pakikipag-usap, ang panonood, at ang pagtingin o paghahanap ng iba't ibang bagay online. Kaya naman bilang epekto, labis labis ang oras na nailalaan ko para rito at hindi ko na ito madalas napapansin dahil nagbibigay nga ito ng aliw at kasiyahan.
Nagtanong-tanong din ako sa aking mga kaibigan at pareho ang kanilang mga kasagutan sa aking nabanggit. Mahabang oras ang kanilang naigugugol para rito dahil ito na rin ang nagsisilbing kanilang libangan at relaxation. Ang pagkahumaling din sa mga nakikita sa scoial media ay nagdudulot di umano ng pagka-adik sa paggamit nito o ang pagkasanay dito.
Bumalik tayo sa mga nabanggit kong mga nakapanayam tungkol sa kagandahang tulong ng social media, at ngayon naman ay tinanong ko sila kung paano sila naaapektuhan ng paggamit ng social media.
Ayon kay Gaby Capule, "Nakaka-adik ito kasi kahit minsan ay hindi ko naman ito kailangan sa pag-aaral, napakaraming oras pa rin ang aking iginugugol para rito. Nakakababa rin ito ng self-esteem kasi lalo na sa mga babae dahil lagi kaming nakakakita ng mga modelo o mga sikat na personalidad na perpekto ang mukha, katawan, at buhay." Tinanong ko siya kung anong plataporma ng social media ang pinakanakaka-apekto sa kaniya sa negatibong paraan at ito raw ay ang Instagram. "Kahit ito ang aking pinakapaborito kong plataporma, ito rin ang pinaka-nakakababa ng aking self-esteem dahil mas madalas ko makita dito ang mga modelong nagse-set ng pamantayan ng kagandahan para sa lahat." Pagdating sa pag-aaral naman ang epekto ng social media sa kaniya ang higit na mas negatibo kaysa positibo dahil ayon sa kaniya, maraming oras ang nasasayang niya kakagamit ng social media dahil nakaka-adik ito sa puntong kahit hindi niya ito kailangan ay napupunta pa rin dito ang kaniyang atensyon dahil napakaraming distraksyon sa social media.
Para naman kay RJ Roque, "Toxic ang social media para sa akin at naaapektuhan nito ang aking mental health dahil kagaya nga ng aking sinabi, malaya ang mga tao makapagbahagi ng kani-kanilang mga opinyon at reklamo. Dahil dito, nagiging normal na lang na maghanap ng kamalian sa iba't ibang bagay sa puntong hindi na ito kaaya-aya at hindi na rin tama ang katuwiran ng karamihan. Ginagawa na lamang ito para lang may mabahagi sa social media." Batay naman sa katanungang ano ang website na pinaka nakaka-apekto sa kaniya, "Twitter ang pinaka nakaka-apekto sa akin dahil dito ko nakikita ang lahat ng rants at reklamo ng mga tao na kung minsan ay nakokonsumo ng negatibong mga pahayag nito ang aking isipan." Bilang panghuling kasagutan naman ni RJ, naaapektuhan daw ang kaniyang pag-aaral ng social media sa negatibong paraan dahil para sa kaniya, hindi naman kinakailangan ng social media sa pag-aaral dahil maaari pa rin nating magawa ang mga nagagawa natin sa social media sa ibang tradisyunal na pamamaraan tulad ng personal na pakikipag-usap at pagbabahagian. Ayon sa kaniya, higit sa nakakatulong ito, mas natuturuan nitong maging tamad ang mga tao lalung-lalo na ang mga mag-aaral.
Sumasang-ayon ako sa mga naging kasagutan ng aking mga kaibigan dahil personal ko rin itong nararanasan. Bukod sa ito ay nakaka-adik at nakaka-ubos ng oras kahit hindi naman para sa mahalagang bagay, sa katotohanan ay tumigil na rin akong gumamit ng Twitter sa kadahilanang nakaka-konsumo ito ng aking isipan sa negatibong paraan. Usong-uso sa mga plataporma ng social media ang mga "hugot", at ang mga rants o reklamo, kaya naman imbis na positibo ang makita ko sa aking kapaligiran, dumating sa punto na nilamon ako ng negatibong kaisipan at perspektibo sa buhay.
Dumako naman tayo sa mga kaalamang makukuha sa social media. Kadalasan ng mga kaalamang nagmumula rito ay hindi itinuturo o natututunan sa paaralan. Ito ay sa kadahilanang impormal ang karaniwang pakikipag-usap at pagbabahagian sa birtuwal na komunidad na ito at sari-saring opinyon at pahayag ang mababasa mula rito. Tulad na lamang ng mga opinyon sa politika, sekswalidad, isyung panlipunan, relasyon, memes, mga biro, at ang iba ay patungkol sa maseselang pahayag.
Kaya naman kahit mas magandang sabihin na ang social media ay nakakaragdag tulong sa aming mga mag-aaral na kabataan, ito ay higit na mas nagsisilbing sagabal sa pag-aaral. Imbis na maibuhos ang oras sa pag-aaral at pagbabasa ng mga aralin, naaagaw ang atensyon ng mga kabataan upang gumamit na lamang ng iba't ibang plataporma ng social media. May mga tinatawag na "trending topics" sa social media at ito ay nakakabuo ng pag-asam ng mga kabataan na makiuso sa lahat ng oras. Dahil ito rin ay isang komunidad na nagbibigay pagkakataon sa mga tao na malayang maipahayag ang kanilang mga saloobin, naaabuso ang kalayaang ito na nagdudulot din ng kapahamakan sa ibang mga gumagamit nito tulad na lamang ng cyber-bullying kung saan maaaring ma-bully ang isang tao sa pamamagitan ng mga pahayag sa social media. Ang anumang pahayag na nagpapatama sa isang tao ay maaaring ituring na cyber-bullying. Ayon sa inilabas na balita ng GMA News Online, 80% ng mga kabataang Pilipinong may edad 13-16 taong gulang ang nakakaranas ng cyber-bullying magmula ng taong 2016. Narito ang isang litrato ng kanilang pahayag na nagpapakita ng bahagdan ng mga kabataang nakakaranas ng abusong ito:
Ito ang lingid sa kaalaman ng karamihan sapagkat marami sa mga ito ang ipinagsasawalang bahala ngunit kung tutuusin ay napakalaki ang epekto nito sa mentalidad ng isang indibidwal. Ang mapagtulungan gamit ng social media ay isang marahas na pamamaraan sapagkat ang mga pahayag dito ay mabilis kumalat sa iba't ibang panig ng mundo, lokal man o maging internasyunal pa. Mahirap din mapigilan ang pagkalat ng mga balita sapagkat napakarami na ang gumagamit nito na maaaring makakita agad-agad ng anumang pahayag, litrato, o alinpamang pamamaraan na ginamit upang magsagawa ng bullying.
Naalala ko ang isa kong kaibigan na labis na nakaranas ng cyber-bullying dahil maraming tao ang umatake sa kaniya sa Internet partikular na sa plataporma ng Twitter dahil sa pahayag na kaniyang sinabi patungkol sa sistema ng patimpalak na kaniyang sinalihan tungkol sa isang Writing Contest. Kaniyang ipinahayag sa kaniyang tweet o post ang mga palpak na nangyari sa nasabing paligsahan at ang kaniyang mga hinanaing dito ngunit ang mga taong nasa panig ng nagsagawa ng programa ay agad na umalma at sinagot ang kaniyang pahayag ng negatibong mga komento kahit na hindi naman niya kilala ang mga ito. Kaya naman, natakot ang aking kaibigan at agad niya itong kinuwento sa amin at ang aming mungkahi ay burahin na lamang niya ang nasabing post upang tumahimik na ang mga tao.
Ganito kalala ang mundo ng social media, kahit hindi ko pa direktang nararanasan ang cyber-bullying, alam ko ang pakiramdam nito dahil nararanasan ito ng aking mga kaibigan. Hindi rin naman kinakailangan na maranasan mo ito mismo bago ka magkaroon ng pakialam tungkol sa bagay na ito. Labis itong nakaka-apekto sa sikolohikal na aspeto ng isang tao kaya dapat ay matuunan ito ng pansin at maagapan ang mga ganitong pangyayari. Kaya para sa akin, hindi maganda ang paggamit nito lalo na't kung labis ang atensyon mo para rito.
Ang birtuwal na komunidad din ay nakakapagbuo ng istandards sa mga gumagamit nito dahil sa pagpapakita ng pamantayan ng kagandahan ng pisikal na kaanyuan. Nagdudulot ito ng pagbaba ng self-esteem ng iba at sobrang pagtaas naman sa iilan. Sa gayon, mistulang nagiging pamantayan ang mga alinmang sikat sa social media kung kaya't nahuhumaling ang iba lalung-lalo na ang mga kabataan upang mapantayan ang mga ito sa abot ng kanilang makakaya. Kadalasan, ang hindi pagwagi sa pag-abot ng mga istandards na ito ay nagbibigay hindi lamang ng kababaan ng self-esteem at confidence ng isang tao kundi maging ang depresyon kung ito ay tumagal at lumala. Ang malayang pagpapahayag din ng mga reklamo ay bumubuo ng isang toksik na komunidad kung saan lumalamang ang negatibong kaisipan patungkol sa mga bagay-bagay sa ating kapaligiran. Imbis na makita ng mga tao ang kagandahan sa ating pang araw-araw na buhay, ang mga negatibo ang mas madalas na napapansin at isinisiwalat.
Sa bawat plataporma din ng social media ay mayroong bahagi na nakapagbibigay ng satisfaction o kasiyahan sa manggagamit nito at makikita ito sa pamamaraan ng pagbigay ng likes. Sa pamamagitan nito nadedetermina kung gaano karaming tao ang nahumaling o nagandandahan sa iyong ibinahagi sa napiling plataporma na maaaring sa Twitter, Instagram, o Facebook. Ang dami ng likes ay nagbibigay kasiyahan sa isang indibidwal na maaaring makapagpataas ng kaniyang self-esteem at maghangad pa na mag-post muli sa susunod. Samantala, ang mga hindi nakakatanggap ng likes ay nakakaramdam ng inferiority o ang pakiramdam na sila ay mas mababa kumpara sa iba na sa pagtagal ay nakakapagdulot ng pagbaba ng self-confidence. Narito ang isang pananaliksik ayon kay Dr. Gwendolyn Seidman, isang sikolohista, sa kaniyang akda patungkol sa self-esteem na pinamagatang "Do Facebook Likes Affect Psychological Well-being?":
Masasabing napakalaking epekto ang nabibigay ng Facebook likes sa mga taong may mabababang self-esteem dahil kanilang nakikita ang plataporma na ito upang makuhaan ng suporta ngunit kapag nakikita nilang mababa lamang ang suporta o likes na kanilang natanggap, labis silang naaapektuhan nito sa puntong mas bumababa pa lalo ang kanilang pagpapahalaga sa sarili. Maselan ang bahagi ng social media na ito sa ganitong klase ng mga tao dahil imbis na kasiyahan ang kanilang makuha, maaaring mapalala pa nito ang kanilang hinaharap na kakulangan sa sarili. Ngunit sa kabila nito, marami pa rin ang hindi tumitigil na gumamit ng social media sa kabila ng panganib na dulot nito.
Ano-ano nga ba ang mga katangian at tampok sa social media kung bakit hindi ito matanggihang gamitin ng mga kabataang mag-aaral?
Ang social media ay nagbibigay ng malawakang access sa mga tao, impormasyon, at libangan. Ito ay walang limitasyon hanggang ikaw ay naka-konekta sa Internet. Ang mga websites at applications na nabanggit din ay libre lamang na makukuha. Ang pagpapahayag ng update ng isa't isa sa tulong nito ay isa ring nakahuhumaling na salik. Malaya ka ritong makakahanap ng iba't ibang tao at makakakita ng iba't ibang bagay na naaayon sa iyong hilig o interes.
Bilang isa sa kabataang mag-aaral na naaapektuhan nito sa negatibong pamamaraan, ang aking minumungkahing solusyon ay ang pagkakaroon ng mga pag-aaral at diskusyon patungkol sa masamang epekto nito dahil tulad ng ng nasabi ko sa aking panimula, naniniwala ako na kung sino ka at kung ano ang lalim ng iyong kaalaman ay may kinalaman sa kung gaano ka ka-exposed sa social media. Ang asal ng isang kabataan ay naaapektuhan nito gayundin ang takbo ng kaniyang kaisipan. Kaya naman, karapat dapat lamang na magkaroon ng mga seminar at talakayan tungkol dito at maigi rin na magkaroon ito ng parte sa mga diskusyon sa mga paaralan. Higit sa lahat, isang malaking tulong ang paglilimita sa mga kabataan sa tulong ng mga nakatatanda. Sila ay dapat na bantayan at limitahan dahil hindi lahat ng nakikita online ay dapat na sundin at paniwalaan. Sa gayon, mangyayari lamang ang mga ito kung maging ang nakatatanda ay nabigyan ng sapat na edukasyon tungkol sa negatibong maaaring mai-apekto nito sa mga kabataan.
Bilang kongklusyon, masasabi kong malaki talaga ang parte ng social media sa aking pamumuhay mula noon at hanggang ngayon, hindi lamang sa akin ngunit pati na rin sa kapwa ko kabataan at mag-aaral. Marami itong magandang dulot sa atin at hindi ito maikaka-ila ngunit dahil na rin sa mga ito kung kaya't labis-labis na nahuhumaling ang mga tao partikular na ang mga kabataan dahil lahat ng kanilang kailangan ay nandito na. Makikita sa mga ibinahagi kong sanggunian na kabataan ang may pinaka-malaking porsiyento ng gumagamit ng social media at makikira rin na ang edad ng mga ito ay pasok sa gulang ng mga mag-aaral. Labis itong nakaka-apekto sa mentalidad ng isang indibidwal at nakaka-apekto ng kanilang paglaki at persepsiyon sa kapaligiran. Kahit na maganda ang benepisyo nito, dahil sa angking katangian nito na nakaka-adik ay natatalo pa rin ang kagandahang dulot nito na pagtagal ay mas nagiging pahamak na sa karamihan. Mahihinuha na aanhin natin ang mga benepisyo nito kung mas lamang naman ang mga panganib na makukuha natin at distraksyon na binibigay sa ating pag-aaral? Sa halip na matuto ang mga kabataan at mailaan ang atensyon sa mga importanteng mga bagay, talamak ang mga nakaka-akit at nakaka-adik na interapsyon na makukuha sa social media kaya naman hindi na nito natutugunan ang pangunahing layunin ng mga kabataan at mag-aaral sa paggamit nito. Ito man ay nagsilbi kong katuwang at guro, ang labis na pag depende dito ay nagdudulot na ng masamang epekto kaya naman ang social media ay tunay na isang hadlang sa pokus na pagkatuto ng kabataang Pilipino sa kasalukuyan.
Mga Sanggunian:
Statista Research Department. (2019, July 22). Distribution of Social Media Users by Age and Platform. Retrieved from https://www.statista.com/statistics/274829/age-distribution-of-active-social-media-users-worldwide-by-platform/
Takumi, R. (2016, March 30). GMA News Online. Retrieved from https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/parenting/560886/80-of-young-teens-in-phl-experience-cyberbullying-survey/story/
Seidman, G. Ph.D. (2016, October 20). Psychology Today: Do Facebook Likes Affect Psychological Well-being? Retrieved from https://www.psychologytoday.com/us/blog/close-encounters/201610/do-facebook-likes-affect-psychological-well-being
Mga Panayam:
Capule, Gaby T. (2019, November 25). Personal Interview. The Address at Wack Wack, Mandaluyong City.
Roque, RJ D. (2019, November 24). Personal Interview. University of The Philippines, Diliman Quezon City.

Comments
Post a Comment