Posts

Showing posts from November, 2019

SOCIAL MEDIA: Isang Sagabal sa Pag-aaral ng Kabataang Pilipino

Image
Magmula noong ako ay bata pa, malaki na ang naging papel ng social media sa aking pang araw-araw na pakikipag-ugnayan at pakiki-salamuha sa iba. Dito ko nakuha ang karamihan sa aking mga kaibigan at dito rin nagsimula ang aking malayang pagpapakita ng aking saloobin at opinyon tungkol sa iba't-ibang bagay. Nagsilbi itong tulay upang maka-konekta ako sa mga kaganapan at usapin sa iba't ibang bahagi ng mundo. Dahil dito, mas naging mulat ako sa kalagayan ng aking kapaligiran na nagbigay sa akin ng inisyatibo upang ako ay makialam at makibahagi sa aking lipunan. Nai-ugnay rin ako nito sa mga taong malalapit sa akin at nagbigay ng mga bagong mga kakilala na magpasa hanggang ngayon ay bahagi pa rin ng aking buhay. Sa mga panahong ako ay mag-isa naman, ang social media ang aking natatakbuhan upang magbigay sa akin ng libangan at kasiyahan. Nakapagbibigay din ito sa akin ng mga panibagong kaalaman na hindi karaniwang naituturo sa paaralan. Ang social media para sa akin ay ...